Google Blog Search

10,000 nurse, kailangan ng DOH at DSWD para sa RN HEALS Program

10,000 nurse, kailangan ng DOH at DSWD para sa RN HEALS Program
source: dzmm.com.ph
Nangangailangan ang Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 10,000 registered nurse para maging bahagi ng programang Registered Nurse for Health Enhancement and Local Service (RN HEALS).




Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na ilalagay ang mga kwalipikadong aplikante sa iba't ibang tinukoy na mahigit 1,000 priority areas o mga mahihirap na lugar sa bansa para doon magbigay ng serbisyong medikal.


Magsisimula aniya ang recruitment para sa naturang programa sa Biyernes, Enero 17 hanggang Pebrero 4 at maaaring mag-apply online sa pamamagitan ng website na dole.gov.ph kung saan din makikita ang mga mapipiling aplikante simula naman sa Pebrero 7.


Tatanggap aniya ang mga volunteer nurse ng P8,000 kada buwan bukod pa ang P2,000 allowance na hihilingin nilang ibigay ng mga local government unit (LGU) na kanilang pagsisilbihan.




Inihayag ni Ona na tatagal ang programa ng isang taon. 




Report from Robert Mano, Radyo Patrol

Leave a Reply